2 TIMBOG SA P40-K SHABU SA MALABON

ARESTADO ang dalawang hinihinalang drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa gitna nang ipinapatupad na lockdown sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief, Col. Jessie Tamayao ang arestadong mga suspek na sina Salvador Antonio, 34, ng Brgy. Tañong, Malabon, at Marty Boy Neria, 30, ng Navotas City.

Ayon kay Col. Tamayao, alas-4:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Capt. Venchito Cerillo, ang buy-bust operation kontra kay Antonio sa C-4 Road, Brgy. Tañong.

Nang iabot ng suspek ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500, sa isang pulis na umaktong poseur-buyer, ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama si Neria na sinasabing umiskor ng droga kay Antonio.

Nakuha sa mga suspek ang aabot sa 6.0 gramo ng hinihinalang shabu na P40,800 ang halaga at buy- bust money. (FRANCIS SORIANO)

179

Related posts

Leave a Comment