IMMIGRATION ACT AAMYENDAHAN

PINAAAMYENDAHAN ni Senador Christopher Bong Go ang Bureau of Immigration Modernization Act of 2020 sa pamamagitan ng Senate Bill 1649.

Sinabi ni Go na layon nitong maamyendahan ang lumang batas  para mas mapabuti ang serbisyo ng Immigration, mas maalagaan ang mga Pilipino at mas maprotektahan ang bansa sa iba’t ibang panganib na puwedeng dumaan.

Ipinaliwanag ni Go na taong 1940 pa naisabatas ang Philippine Immigration Act at sa dami ng   nangyari at puwede pang mangyari sa hinaharap ay panahon na para gawing moderno  ang immigration services.

Nakasaad sa panukala ni Go na magkaroon ng improved guidelines para ma-monitor ang mga dayuhan na papasok sa bansa.

Giit ni Go, first line of defense ng bansa ang Bureau of Immigration,  kaya naman dapat unahan ang nagbabagong anyo at diskarte ng mga dayuhang may masamang  balak at magsasamantala sa mga Pinoy.

Mapabubuti rin sa panukala ang compensation scheme ng mga nagtatrabaho sa ahensiya at maiiwasan ang katiwalian at mas mabibigyan sila ng kapasidad na pagbutihin ang kanilang trabaho. (NOEL ABUEL)

181

Related posts

Leave a Comment