BEBOT NAPISAK SA TRUCK

DAVAO City – Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang isang babae makaraang masagasaan ng truck habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Brgy. Katipunan, sa bayan ng Matanao, sa lalawigan ng Davao del Sur.

Iniulat ng Matanao Municipal Police Station, nangyari ang insidente dakong alas-6:00 noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Lolita Galdoza Vereño, 55, may asawa at residente sa nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon, isang KIA Frontier Double Cab Dropside na pula na may temporary plate, ang nakabundol sa biktima.

Ang nasabing truck ay minamaneho ni Franco Alba, 24-anyos at residente rin sa nasabing lugar.

Isinugod sa Davao del Sur Provincial Hospital sa Digos City ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (DONDON DINOY)

259

Related posts

Leave a Comment