DAVAO City – Patuloy ang isinasagawang clearing operation ng militar laban sa mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na kanilang naka-engkwentro sa Sitio Lower Maragdao, Brgy.
Maragatas sa bayan ng Lupon, sa lalawigan ng Davao Oriental noong Huwebes ng umaga. Isang mataas na opisyal din ng NPA ang napatay at isang miyembro ang nadakip matapos makasagupa ng 28th Kamagong Infantry Battalion, sa pamumuno ni Lt. Col. Alexander Banatao, ang 20 kasapi ng rebeldeng komunista.
Kinilala ng 28th IB ang namatay na opisyal ng NPA na si Prince Wendel Olofernes, alyas “Do/Edoy,” kalihim umano ng Guerilla Front 18.
Arestado naman ang kasama nitong si Godofredo Quesada Galo, alyas “Dagsa” at nakuha sa encounter site ang apat na high explosive 40mm ammunitions, backpack at personal na mga kagamitan ng mga rebelde.
Agad dinala ang napatay na opisyal ng NPA ng Philippine Airforce’s Tactical Operations Group (TOG)-11, sa kanyang pamilya sa Brgy. Magnaga, Pantukan, Davao de Oro. (JESSE KABEL)
168
