INALIS ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pansamantalang suspensyon sa Officers and Enlisted Personnel recruitment sa gitna ng nararanasang epidemya sa coronavirus.
Dahil dito, ang Army Recruitment Offices ng Luzon, Visayas at Mindanao sa ilalim ng Army Personnel Management Center (APMC), Philippine Army ay ipagpapatuloy ang kanilang nasuspindeng recruitment activities para sa Army applicants dahil sa declaration of State of Public Health Emergency dulot ng COVID-19 ngayong taon.
Para sa Army Recruitment Office Luzon, ang mga aplikante ay maaaring magparehistro para sa kanilang appointment sa pamamagitan ng registration form na nakapaskil sa kanilang official Facebook page at hintayin lamang ang email confirmation.
Matapos ang registration, ang mga applicant ay papupuntahin sa ARO Luzon na nasa Lawton Ave., Fort Bonifacio, Taguig City para sa kanilang examination schedule. Samantala, ang mga naunang aplikante na nakapagparehistro na subalit hindi nakakuha ng AFPSAT, AQE and SWE dahil sa pandemya ay kinakailangan maghintay ng instructions para sa kanilang schedule ng examinations.
Para sa Army Recruitment Office – Visayas, ang mga aplikante ay maaaring mag- inquire and register sa pamamagitan ng official FB pages ng kanilang mga lalawigan :
• Cebu – Army Recruitment Office Region 7• Bohol – Army Recruitment Bohol
• Panay Island – Army Recruitment Office Region 6
• Samar and Leyte – Army Recruitment Office Region 8
• Negros Island – Army Recruitment Office Negros and Siquijor
Para sa Army Recruitment Office Mindanao, ang mga aplikante ay kailangan mag-download at i-fill out ang form na nasa official FB page. Ang completely filled out form ay kailangang ipadala sa
arcmindanao_cdo@yahoo.com kasama ang NSO/PSA Birth Certificate, Diploma, and Transcript of Records ng aplikante.
Pinapayuhan din ang mga aplikante na laging bisitahin ang mga official FB page ng kani-kanilang recruitment offices para sa karagdagang impormasyon.
Samantala, ipinagmalaki ni Lt. Gen. Gilbert I. Gapay, Army chief, ang kanyang mga field commander sa kanilang “operational verve and outstanding performance of duty” sa pagtugon sa giyera kontra terorismo at digmaan laban sa COVID-19 pandemic. (JESSE KABEL)
297
