MAS nakababahala para kay Senador Panfilo Lacson ang patuloy na operasyon ng bentahan ng droga sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) kaysa pagkamatay ng ilang high profile drug personalities tulad ni Jaybee Sebastian sa corona virus 2019 (COVID-19).
Sa pahayag, sinabi ni Lacson na may ilang detalye ng isang convicted ng isang krimen na makukuha sa korte maliban na lamang sa ilang isolated cases dahil sa konsiderasyong pang-seguridad.
Sinabi ni Lacson na kung namatay ang isang inmate sa COVID-19, baka magkaroon ng diskriminasyon sa miyembro ng kanilang pamilya bukod pa sa stigma na dadanasin nila sa publiko.
“The Data Privacy Act may actually be applicable in the case of Jaybee Sebastian and other high value PDLs who reportedly succumbed to COVID-19 – although in an inquiry in aid of legislation, we as legislators can ask relevant questions, especially in an executive session,” ayon kay Lacson.
Maliban na lamang, ayon kay Lacson kung may pinaghihinalaang foul play – pero hanggang sa ngayon, wala pang matibay na ebidensiya, alinsunod sa personal niyang pananaw.
“I’d rather focus on more pressing matters than be distracted by the death/s of drug convict/s who had shown no remorse at all by continuing their drug operations even in the confines of the high-security facility of the New Bilibid Prison, right under the noses of prison officials, corrupting those who have no moral fortitude to resist even drug money,” ayon kay Lacson. (ESTONG REYES)
145
