BIGO ang Department of Education (DepEd) na patunayan na kakayanin nito ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24 ng taong kasalukuyan.
Sinabi ni Senador Francis Tolentino na base sa kasalukuyang sitwasyon ay kulang ng oras ang DeEd para mangyari ang nais nitong petsa ng pagbubukas ng klase.
“From the looks of it, there is certainly a need to adjust the school opening from August 24 to a later date as the Department of Education fell short in the preparation,” sabi ni Tolentino.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Tolentino si Pangulong Rodrigo Duterte sa inilabas nitong desisyon na ilipat ang petsa ng pagbubukas ng klase bunga ng kabiguan ng DepEd na makapaghanda.
“We thank President Duterte for enacting into law this crucial piece of legislation, which would allow the opening of classes beyond August, most especially with the ongoing coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic,” sabi Tolentino.
Giit nito, sa pamamagitan ng pagpapaliban ng pagbubukas ng klase ay makapaghahanda ang DepEd. (NOEL ABUEL)
