NAGMOMOTOR kaya yung nagpanukala noon?? Kahit ang Pangulong Mayor Digong ang tatanungin ninyo dahil riders din yan ang sasabihin sa mga nagpanukala niyan na gamitin ninyo ang utak ninyo!!
Kasi po pagmalakas ang hangin tapos mayroong ganoong riders shield ang isang motor, malamang sa hindi na matutumba po ang motor, na pag nangyari yon ilang buhay ang inilalagay ninyo sa alanganin?!
Yon nga pong walang rider shield na motor siklo eh natutumba pag sobrang malakas ang hangin eh yon pa kayang mayroong harang o rider shield ang hindi!!?
Dapat siguro kung sino man sa mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at taga Inter Agency Task Force ( IATF) na nagpanukala na maglagay ng shield ang mga motorsiklo dapat magmotor kayo na mayroong rider shield at patakbuhin ninyo upang kayo mismo ang makaramdam sa mga reklamo ng mga riders kung gaano ka-delikado yang ipinapagawa ninyo sa mga gumagamit ng motorsiklo!!!
Ang hirap sa mga taga LTFRB at IATF na nagpanukala niyang riders shield para lang siguro masabi na mayroon silang nagawa para labanan ang covid-19 kahit katangahan eh ipinapatupad nila.
Ang dapat sana na maipatupad ninyo ay ang paggamit ng full face na mga helmet ng riders at mga angkas nila kasi sa ganoong paraan tiyak na maproprotektahan ang mga ito sa sinasabi ninyong hawahan ng coronavirus.
Kung titingnan po mas safe pa nga ang mga riders kaysa mga health workers laban sa covid-19 pag mayroong suot na mga helmet ang mga yan dahil buong ulo po nila natatakpan ng helmet samantala ang mga health workers may exposure pa ng kaunti ang kanilang mga mukha.
Sana aralin muli ng mga implementing agency yang riders shield na ipinatutupad ninyo!!! Hay naku isip-isip naman!!!
Nako!!! Bureau of Correction Director Chief General Gerald Bantag siguro kailangan na kapag mayroon pang mga high profile inmate na tinamaan ng nakakamatay na coronavirus disease 2019 eh dapat dokumentado at may kasama pang mga picture at video upang di kayo pinaghihinalaan ng mga kritiko.
Siyempre di ninyo po mai-aalis sa isipan ng tao na baka may hokos-pokus sa mga namatay na mga high profile inmates dahil sa covid-19 dahil maari po kasing maging daan yon para makakabas ng piitan yang mga druglord na yan nang hindi na nangangailangan ng ano pang mga rekisitos.
Gaya nang report na sinasabing nasa siyam na mga high profile na mga drug convicts ang namatay sa covid-19 pero wala namang patibay doon maliban lamang sa nakasaad sa files ng BUCOR na namatay sila sa coronavirus disease 2019.
Sa aking panig po medyo mataas naman ang kumpiyansa ko kay DG Bantag na hindi ito magpapalaya ng mga drug convict dahil iba po ang prinsipyo ni DG Bantag pagdating sa ilegal na droga.
Di ba bago naging Director ng Bureau of Correction si DG Bantag ay nakasuhan pa yan ng pagpatay sa sampung mga druglord sa Parañaque City jail pero napawalang sala siya sa naturang reklamo.
Keep up the good work BUCOR Chief Director General Gerald Bantag!!!
