UTOS NI DIGONG, PROTOCOL

VIOLATORS IKULONG BILANG na ang araw ng mga pasaway at lantarang nilalabag ang health protocol kontra COVID-19.Ito’y matapos na seryosong ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pulisya na hulihin at agad ikulong ang mga hindi nakasuot ng face mask sa pampublikong lugar sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“I have no qualms in arresting people who are not wearing face mask. It seems to be trivial, but during a time of pandemic, it can be a serious crime. You are transmitting virus, you are a carrier,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address.

“You have to ask our police to be more strict. Hulihin talaga.

If you are brought to a police station and detained there, that will give you a lesson for all time,” ang utos ni Pangulong Duterte kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Ani Pangulong Duterte, kailangan na magsimula ang mahigpit na pagpapatupad sa mga lokal na opisyal.

“I hate to arrest people for the mere violation of that rule to wear face mask, pero kailangan ng cooperation. The mayors have to do more,” anito.

Bilang tugon, sinabi naman ni Sec. Año na nakipagpulong na ang DILG sa mayors, governors at barangay officials at kanilang napagkasunduan na magkaroon at magpalabas ng uniform policy sa pagpapakulong sa indibiduwal na hindi magsusuot ng face mask at lalabag sa social distancing.

Ang panawagan ng Pangulo na arestuhin ang taong hindi nakasuot ng face mask ay matapos na magpalabas ang New York Times ng findings mula sa Imperial College of London na 91% ng mga Filipino ay palaging nagsusuot ng face mask kapag lumalabas ng kanilang bahay.

Ito aniya ang highest percentage sa buong mundo.

Layon naman ng Department of Health na mapagtagumpayan ang 100% compliance mula sa publiko. (CHRISTIAN DALE)

174

Related posts

Leave a Comment