4-year old na anak binantaang papatayin NETIZEN TUTUGISIN NI DEFENSOR

PINALAGAN ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang death threat sa kanyang bunsong anak ng isang netizen sa gitna ng mga batikos na ibinabato sa kanya hinggil sa naging desisyon niya sa prangkisa ng ABS-CBN.
Sa kanyang Twitter account post, hindi pinalagpas ni Defensor ang natanggap na banta sa kanyang anak na si Julian, apat na taong gulang, na papatayin umano ng isang netizen.
“Yung masamang salita ay tanggap ko. Murahin mo ako at laitin – I set it aside. You can criticize me and even curse me, and I can take it. But when you threaten to kill my 4-year-old child Juliana you have gone beyond the limit. I will look for you and I will not stop,” ani Defensor.
Ginawa ni Defensor ang pahayag matapos sumagot sa isang netizen na nagtatago sa pangalang “ano123456123365” na nagpahayag ng katagang “Patayin ko anak mo gago,” matapos niyang i-post sa kanyang Instagram account ang pagli-lead ng kanyang anak sa kanilang araw-araw na novena.
“May bigla pong nag-comment na papatayin niya ang anak ko at may hashtag pa ho na ‘buhaysabuhay’ at kung iba pa. Marami ang nagme-message na galit at kung maayos naman po ang kritisismo at pananalita ay sinasagot ko.
Nagcomment pa si “ano123456123365” ng 
#PatayinJulianaPiaDefensor #matasamata #buhaysabuhay.
“Dito po sa page na ito, ay maraming masamang pananalita at pinababayaan ko at iniintindi. Marami ang direktang nagsasabi na mamatay na ako ngunit di ko pinapatulan. Pero pag ang anak ko na at lalo’t higit ang 4 na taong bata ang pagbabantaan mo ay may kalalagyan ka. Panindigan mo ang matasamata at buhaysabuhay na sinasabi mo!” ang galit na post ni Defensor.
Isa si Defensor sa mga kongresistang kumalkal sa mga paglabag ng ABS-CBN sa kanilang prangkisa at maging sa saligang batas kung saan napatunayan sa pagdinig ang “9 deadly sins” ng kumpanya tulad ng labor violations, hindi pagbabayad ng tamang buwis, foreign ownership, pagiging political bias at iba pa.
Dahil sa natuklasang ito sa joint hearing ng House committee on Legislative Franchises at Committee on Good Government and Public Accountability, ibinasura ng franchise application ng nasabing network sa botong 70-11.
Mula noon ay hindi na tinatanan ng netizens si Defensor at ang ilang miyembro ng Kamara, na nagalit sa kanilang desisyon sa prangkisa ng ABS-CBN. (BERNARD TAGUINOD)
211

Related posts

Leave a Comment