IPATATAWAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operator at driver ng bus na nakuhanan ng video habang humaharurot sa EDSA bus lane.
Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, mahaharap sa parusa ang driver at operator ng bus.
Natukoy ang sangkot sa insidente na isang Joanna Jesh Transport bus na may plakang CAP-5133,
Ayon pa kay Garcia, nakipag-ugnayan na sila sa LTFRB para maisyuhan ng show cause order ang operator ng bus at upang makilala ang driver nito.
Base sa viral video, nakuhanan ng dash cam ang humaharurot na bus sa bus lane.
Sa sobrang bilis ng bus ay may naitumba itong mga barrier.
Nakatakdang imbestigahan ng LTFRB at LTO ang nasabing insidente.
245
