BIKER SINURO NG HI-ACE VAN

SUGATAN ang isang 40-anyos na vendor makaraang suruin ng Hi-Ace van habang lulan ng bisekleta, sa tapat ng Manila City Hall sa Ermita, Manila noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktimang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center na si Raffy Cañete, binata ng Cortada St., Ermita, Manila.

Agad namang sumuko sa pulisya ang tsuper ng Hi-Ace van na si Algie Caranto, nasa hustong gulang, ng Dasmariñas, Cavite.

Base sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Investigation Unit, bandang alas-8:10 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Padre Burgos (southbound) sa harap ng Manila City Hall.

Ayon sa imbestigasyon ni P/SSgt. Gerald Gonzales, habang tinatahak ng Toyota Hi-Ace van (NCR- 8810) ang nabanggit na lugar nang mabundol ang likurang bahagi ng bisekleta ng biktima.

Tumilapon ng ilang metro si Cañete na mabilis na isinugod sa pagamutan. (RENE CRISOSTOMO)

417

Related posts

Leave a Comment