NANGHIHINAYANG ako sa ginagastos ng gobyerno sa rapid test kits dahil bukod sa mababa ang accuracy nito ay kailangang isasalalim pa rin sa confirmatory test kapag may nagpositibo.
Wala akong ideya kung magkano na ang nagagastos ng national at local government units (LGUs) sa rapid test pero parang nagsasayang lang tayo ng pera ng bayan. Kahit marami dyan ay donasyon lang, nakakapanghinayang pa rin.
Hindi ko masisisi ang ilang mambabatas na magduda na mayroong nakikinabang sa rapid test na ito dahil ipinipilit pa rin itong gamitin kahit napatunayan na hindi accurate ang resulta ng test na ito.
May taga-Kongreso ang nagpositibo sa rapid test pero nang sumailalim sa confirmatory test ay nagnegatibo sila. Marami na rin tayong narinig na ganito ang naging karanasan sa rapid test.
May mga kaso ng Local Instranded Individuals (LSIs) na nakabalik sa kanilang mga probinsya matapos isailalim lang sa rapid test at dahil nagnegatibo pinayagan silang umuwi pero pagdating sa
kanilang probinsya, sumailalim sila sa CPR test at doon ay nagpositibo.
Ang resulta, nagkaroon ng mga kaso ng COVID-19 sa mga probinsya dahil pinauwi ang mga LSI dahil nagnegatibo naman sa rapid test. Hindi ba pahamak ang rapid test na ito na ginagastusan natin ng bilyon-bilyong piso?
Mantakin nyo gagastos tayo ng P400 hanggang P700 para sa isang rapid test kit (ang presyong iyan supplier price pa lamang at mayroon pang dagdag na gastos dyan) tapos hindi accurate?.
Dahil hindi accurate ang resulta, kapag nagpositibo ang isang isinailalim sa rapid test ay isasailalim uli sa confirmatory test at sa pagkakataong ito ay gagamitin na sa kanya ang polymerase chain reaction (PCR) test.
May kamahalan ang PRC test dahil aabot ito sa P2,500 pataas ang presyo nito. May mga report tayong nakukuha na may mga hospital ang naniningil ng hanggang P8,000 hanggang P10,000.
Ipagpalagay na lang natin na P3,000 ang PRC test kung ang gobyerno na mismo ang bibili nito o gagastos nito pero kung ideretso na sa ganitong uri ng pagsusuri ang mga tao, nakatipid tayo ng
P400 hanggang P700 kada tao kung hindi na gagamitan ng rapid test.
Pagsasayang ito ng pondo ng gobyerno na napilitang mangutang upang may magagastos sa pagtugon sa problema ng COVID-19 pandemic na ito na dinala ng mga Chinese national mula sa Wuhan City sa ating bansa noong Enero.
Pero dahil siguradong may kumikita sa rapid test ay talagang ipinipilit ito dahil may pambili naman ang gobyerno pero pera ito ng taumbayan, inutang man yan pera pa rin natin yan dahil tayo rin ang magbabayad dyan.
Pinapayaman lang din natin ang ibang bansa na nagsu-supply ng rapid test kits lalo na ang China na pinanggalingan ng karamihan sa test kits na ito na ibinasura na sa ibang bansa tulad ng
Amerika at European countries.
Pinapayaman din natin ang mga corrupt officials at mga corrupt individuals sa pribadong sektor na nagsasamantala sa ating kalagayan para magkamal pa ng salapi sa panahon ng krisis na ganito.
