MULI ay magpapatulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga uniformed personnel para tugunan ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Interior Secretary Eduardo Año na magtalaga ng mga pulis na maghahatid sa mga contact tracer sa mga bahay ng COVID-19 patients.
“Magpahatid ng kung anong sasakyan diyan sa pulis, doon sila sumakay, ihatid sila ng pulis doon sa boundary. Beyond that, ibang pulis na naman ang magsasalo sa kanila para hanapin ‘yung tao,” ang utos ni Pangulong Duterte.
“The police have the resources, pati ‘yung barangay captain, na malaman nila kung saan ito (COVID-19 patient) nakatira. That would be the fastest way of doing the tracing kasi kung may pera
at may sasakyan the better… pero kung wala, the police has to sacrifice and contribute,” dagdag na pahayag nito sa kanyang public address nitong Lunes.
Matatandaang binatikos ang pamahalaan dahil sa “highly militarized” na pagtugon nito sa COVID- 19.
Sa kabila nito ay inulit ni Pangulong Duterte ang kanyang pangakong suporta sa kapulisan.
“Mga pulis ko, tutal wala kayong masasabi sa akin, full support ako sa inyo at ‘yung mga kaso ninyo na duty-connected, wag kayong mag-alala, sabi ko, dedepensahan ko kayo,” anito.
Samantala, inamin naman ni Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer of the government’s COVID-19 response, na kulang ang contact tracers sa bansa. (CHRISTIAN DALE)
167
