PERA NG INVESTORS NI JOEL APOLINARIO, MABAWI PA KAYA?

PUNA Ni JOEL AMONGO

 

MARAMI ang nagtatanong sa PUNA kung mababawi daw pa kaya nila ang kanilang ini-invest na pera kay KAPA Founder Pastor Joel Apolinario.

Naaresto kasi sina Joel Apolinario at asawa nitong si Reyna noong July 21, 2020 sa isang isla sa Lingig, Surigao del Sur na pag-aari umano ng isang mayor.

Kumasa pa ang private armies ni Apolinario sa mga awtoridad kaya may nalagas sa kanyang mga tauhan na n­akipagpalitan ng putok sa tropa ng pamahalaan.

Akala siguro ni Tukayo na uubra sila sa puwersa ng gobyerno dahil marami siyang armadong tauhan.

Pakiramdam ata ni Apolinario may kaharian na siya kaya nagbuo siya ng sarili niyang armadong tauhan.

Balik po tayo sa investment ng KAPA Community Ministry International sa pamumuno ni tukayo Joel.

Bilyun-bilyong piso ang naibulsa ni Apolinario mula sa mga pera ng mga naghihikahos na sambayanan na umaasa na aangat ang kanilang mga buhay dahil sa kanilang pinasok na grupo.

Ang hindi nila alam ay madilim ang kanilang hinaharap.

Sa paghahangad kasi nila ng malaking porsyento na ipinangako na ibabalik sa kanila ni Apolinario.At siyembre gumamit ng malalaking pangalan sa politika si Apolinario para makakumbinsi siya na sumanib sa kanya mula sa pamilyang mahihirap.

Benta dun benta dito ng mga ari-arian tulad ng alagang Kalabaw, sakahan ang mga oridnaryong tao para lang makasali kay Apolinario.

Talaga nga namang matinding mangumbinsi itong si Apolinario sa ilang saglit lang ng kanilang operasyon ay nagkamal na sila ng pera.

Mula sa pagiging isang hampas lupa ng mag-asawa ay naging bilyunaryo agad sila.

Labas masok silang mag-asawa sa ibat-ibang bansa sa buong mundo at may helicopter para raw ang dalawa.

Kaya pala madaling nakakumbinsi si Apolinario ng mga tao na mag-invest sa kanya dahil gamit pala nito ang relihiyon na KAPA Community Ministry International.

Nagpakita ng kabaitan siguro itong Founder ng KAPA na si Tukayo Joel sa mga tao kaya mabilis na nakaipon ang hi%%%%*****@@@@na%%yu%%%pa$$$$$k na ito!

At siyempre nga naman gamit niya sa kanyang ­pangungumbinsi na mag-invest sa kanya ang mga tao ay ang ­Panginoon, kaya naman kinagat ng mga tao ang kanyang diskarte.

Hindi pa investment ang kanilang tawag dahil alay o handog sa Panginoon ang pera.

Pag ibinalik naman daw ni Apolinario ay tinatawag nilang  “blessings mula sa Panginoon”. Galing ng damuho!

Kasabay nyan ang paggamit niya sa mga pulitiko o kilalang mga tao sa lipunan para masabing legal ang kanilang ginagawa.

Ang problema mo lang dahil na-PUNA ni Pangulong Rodrigo Duterte na mali ang ginagawa nyo.

Ngayon dahil nahuli na silang mag-asawa papaanong mababawi ang mga na-invest ng tao sa kanila?

Kahit pa ang mga buhok nilang mag-asawa ay hindi magkakasya para ipambayad sa dami ng kanilang nabiktima at nakunan ng pera.

Suhestiyon ng PUNA sa gobyerno pati mga kasabwat ng mag-asawa na ito sa panloloko sa mga tao ay habulin para maparusahan at makabawi man lang ang kanilang mga biktima.

Tulad nito ngayon na dumaranas ng matinding hirap ang buong bansa dahil sa Covid-19.

Saan ngayon kukuha ng kakainin ang kanilang mga biktima?

Nawalan sila ng pagkakakitaan lalo na yung nagbenta ng lupain at kalabaw para lang makapag-invest tapos ganyan pa ang nangyari sa kanila nabalewala ang kanilang mga pera.

Lalo na yung may-ari ng isla na pinagtaguan nitong mag-asawang Apolinario dapat yan maisama na mabulok sa kulungan.

Duda ng sambayan na nakinabang ang alkalde sa pera nila na napunta kay Apolinario.

Dapat lahat ng may kinalaman sa mag-asawang A­polinario ay mahubaran ng “maskara” para makilala sila at wala na silang mabiktima pa sa mga ordinaryong Pinoy.

Pangkain na lang ang pera ng lahi ni Juan ay kukunin pa ng mga mapagsamantalang tao.

Wala ba kayong mga konsensiya?

                                                                                                                                                                    oOo

 

Para sa suhestiyong at reaksyon mag-email ­joel2amongo@yahoo.com at  ­operarioj45@gmail.com.

120

Related posts

Leave a Comment