DAPAT bigyan din ng hazard pay ang mga pribadong janitor, security guards at service provider na nakatalaga sa mga pampublikong pagamutan dahil magkatulad ang panganib na kanilang kinahaharap sa mga medical frontliner na lumalaban sa corona virus 2019 (COVID-19) pandemic, ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto.
Sa pahayag, sinabi ni Recto na kasama ang mga ito ng mga medical staff sa mga public hospital kaya maituturing din silang essential personnel na dapat makakuha ng dagdag na sahod mula sa pamahalaan.
“They are unheralded, but they’re important cogs that keep hospitals running,” ayon kay Recto.
“Sanitation workers, housekeepers, janitors, security guards, equipment and building maintenance staff who work for private companies under contract with public hospitals are frontliners, too. Without them, a hospital will collapse,” diin ng senador.
Aniya, sa kabila ng kahalagahan ng kanilang trabaho sa paglaban sa corona virus 2019 (COVID-19), tahimik nilang pinagtitiisan ang minimum pay.
Hinikayat niya ang Department of Health (DOH), Department of Budget and Management, at dalawang kapulungan ng Kongreso na lumikha ng isang pakete upang madagdagan ang kanilang sahod para sa panganib na trabahong kanilang ginagawa.
Sinabi pa ni Recto na pinakamabilis na pamamaraan ang pagpapalabas ng kautusan ng Pangulo na bigyan siya ng benepisyo dahil pinapayagan ang cross subsidy sa batas.
“And why should we not, when we’ve given tens of billions of ayuda to people who are just staying in their homes. Government is readying billions to bail out companies. Habang itong mga hospital workers na ito, na nagbubuwis ng buhay, wala man lang tayong maiabot,” ayon kay Recto.
Iginiit pa ni Recto na ipinakalat ang mga naturang manggagawa ng pribadong kontraktor sa mga pampublikong pagamutan kaya nasadlak sila sa balag ng alanganin sanhi ng banta ng virus.
Aniya, pawang mga virus killer ang mga kinontratang janitor at sanitation workers upang manatiling malinis ang mga pagamutan. “One scrub, one mop, one wipe at a time.”
“Because these jobs have been privatized by government to contractors who tendered the lowest bid, “the thin margins cascade down to workers in the form of lower wages,” ani ng mambabatas. (ESTONG REYES)
166 