MAY HINALA ang Malakanyang na may kaugnayan sa nalalapit na eleksyon ang patuloy na pagbatikos ni Senador Francis Pangilinan sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious
Diseases.
Binatikos kasi ni Pangilinan ang bagong style ng IATF na pangasiwaaan ang COVID-19 response ng ilang lokal na pamahalaan sa bansa.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, maaaring set up lamang para sa 2022 elections ang mga punang ibinabato ng senador sa IATF.
Kaya aniya, hindi na siya nagulat sa mga tirada ni Pangilinan lalo’t re-electionist ito at posibleng naghahanda na para sa eleksyon.
Napag-alaman na pinaiimbestigahan nina Pangilinan at Senadora Risa Hontiveros sa Senado ang “Big Brother” style ng IATF sa mga LGU dahil ‘toxic micromanagement’ anila ito at posibleng
magpabagal pa sa diskarte ng mga lokal na pamahalaan sa paglaban sa COVID-19 pandemic. (CHRISTIAN DALE)
185
