LIBONG PUBLIC SCHOOL BUILDINGS GINAGAMIT NANG ISOLATION FACILITIES

MARAMI na sa mga pampublikong paaralan o public school buildings ang ginagamit ngayon bilang

isolation facilities para sa mga COVID-19 patients.
Sinabi ni COVID-19 national task force chief implementer Sec. Carlito Galvez, sa kasalukuyan, halos

libu-libo na aniyang COVID-19 patients ang naka-quarantine sa mga school building, partikular na sa

mga barangay.
Ani Galvez, ito ang nakikita nilang pinaka-accessible na maging quarantine facility pagdating sa mga

barangay o iyong tinatawag na localized lockdown.
Subalit, may iba naman aniyang local chief executives na imbes na gawing isolation facility ang

kanilang mga paaralan, ay iyong mga sports complex at multi-purpose building na lamang ang ang

ipinagagamit sa mga Covid patient.
Kaugnay nito, mayroon din aniyang ipinatatayong modular isolation facilities ang pamahalaan sa

bahagi ng Laguna at Central Luzon. (CHRISTIAN DALE)

195

Related posts

Leave a Comment