KWENTO NI ATTY. SHIELA GOMEZ TAMPOK SA PINAKABAGONG GCASH STORIES

TAMPOK ang kuwento ng tagumpay at determinasyon ni Atty. Sheila Gomez, isang GLoan user, sa ikaanim na yugto ng GCash Stories: Kasama Mo Mangarap, na naglunsad ng isang maikling pelikula tungkol sa kanyang buhay noong Hulyo 14.

Bilang nag-iisang breadwinner ng kanilang pamilya, ibinahagi ni Gomez na naging maaasahang katuwang niya ang GLoan, pangunahing cash loan product ng Fuse, ang lending arm ng GCash, habang nag-aaral siya ng abogasya.

Nagbunga ang kanyang pagsisikap nang makapasa siya sa 2024 Bar Examinations sa kanyang ikalawang pagtatangka at kalaunan ay nakapagtatag ng sarili niyang law office sa Iloilo City.

Patuloy namang pinalalawak ng Fuse ang access ng mga Pilipino sa pormal na pautang at isinusulong ang marangal na pagpapautang. Sa kasalukuyan, nakapagpalabas na ito ng ₱406 bilyong halaga ng pautang sa 11.1 milyong natatanging borrowers, kung saan 85 porsiyento ay mga unang beses na gumamit ng pormal na credit.

Nasa larawan sina (left to right) Lourdes Batac, GCash Head of Communications Strategy; Atty. Shiela Gomez, GLoan User GCash Stories 2026; Neil Trinidad, GCash Chief Marketing Officer; Tony Isidro, Fuse Financing, Inc. President and Chief Executive Officer; at Baby Aquino, Fuse Financing Inc. Chief Product Officer and Strategy Head.

(DANNY BACOLOD)

56

Related posts

Leave a Comment