TINATAYANG umabot na sa 5,000 ang na-recruit na health professionals sa nakaraang dalawang
linggong ‘time out’ ng mga health worker at isinailalim ang ilang mga lugar sa MECQ.
Para kay Presidential spokesperson Harry Roque, maituturing na pinakamahalagang achievement
ito sa nakalipas na 14 araw.
Naniniwala aniya silang maaabot nila ang kanilang target na 10,000 dagdag na health professionals
lalo na at mabilis na rin ang pamamaraan ng recruitment.
Kung dati rati aniya ay manual ang recuitment, ngayon ay ginagawa na ito online.
Sinabi pa ni Sec. Roque na hindi rin bababa sa isandaang mga doktor mula sa Region 1, 2 at 3 ang
tumugon sa panawagan ng gobyerno na dito muna nila gamitin ang kanilang serbisyo sa Metro
Manila dahil na rin sa dami ng kaso ng COVID. (CHRISTIAN DALE)
137
