MALAPIT nang maabot ng Pilipinas ang 200,000 na bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 kasunod ng naitalang 4,786 bagong kaso kahapon.
Nabatid sa huling datos mula sa Department of Health, umaabot na sa 182,365 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
64,906 dito ang active cases habang 616 ang nadagdag sa mga gumaling kaya ang total recoveries ay 114,519.
May 59 naman ang panibagong binawian ng buhay na naghatid sa total deaths na 2,940.
Samantala, 73 na mga bansa na ang may Pilipinong nagpositibo sa COVID-19.
Wala namang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na panibagong Pinoy sa abroad na gumaling sa nasabing sakit at wala ring nadagdag sa bilang ng mga namatay kaya ang total deaths ay nananatili sa 733.
Mayroon namang 16 Pinoy na panibagong tinamaan ng virus mula sa Amerika at Asia and the Pacific kaya sa kabuuan ay aabot sa 9,975 na ang bilang ng mga ito.
3,373 dito ang active cases habang ang total recoveries ay nananatili sa 5,869.
158
