SUMAKABILANG-BUHAY ang isang COVID-19 patient sa Barangay Panghulo, Malabon City, iniulat ng City Health Department noong Sabado.
Bukod dito, 58 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 3,282 na ang confirmed cases sa lungsod, 721 dito ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangay Acacia (3), Baritan (6), Dampalit (8), Flores (3), Longos (23), San Agustin (4) at Tañong (11).
Nadagdagan naman ng 42 ang mga gumaling at sila ay mula sa Barangay Baritan (3), Catmon (2), Dampalit (2), Longos (22), Maysilo (1), Muzon (1), Panghulo (6), Tinajeros (4) at Tonsuya (1). Sa
kabuuan ay 2,422 ang recovered patients.
Samantala, sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco noong Sabado, mas marami ang naitalang bagong kaso ng COVID sa lungssod (86) kaysa gumaling (73).
Dagdag ni Tiangco, noong unang nag-GCQ, lumobo ang bilang ng mga nahawaan dahil naging kumpiyansa ang mga tao, at bilang resulta, isinailalim ang lungsod sa lockdown at MECQ.
“Sana po ay naitanim na sa ating isipan ang mga aral ng nakaraan. Anumang uri ng quarantine ang ipatupad, nariyan pa rin ang panganib ng COVID-19. Mag-ingat at sumunod sa safety precautions. Ito ay ipinatutupad lamang para sa ating kabutihan. Maging responsable at disiplinado po tayo,”pakiusap ng alkalde.
Kaugnay nito, umakyat na sa 4,231 ang COVID-19 positive sa lungsod ng Caloocan hanggang alas- 5:00 ng hapon noong Agosto 22, ayon kay Mayor Oscar Malapitan.
Ani Malapitan, 1,976 naman na sa mga tinamaan ng nasabing nakamamatay na sakit ang nakarekober habang 157 na ang namatay. (ALAIN AJERO)
149
