MAGKASAMANG ginunita kahapon, araw ng Huwebes ng Maynila at Washington ang 75 taong anibersaryo ng pagsuko ng puwersa ng mga Hapon na tanda ng pagtatapos ng World War II.
Isang virtual ceremony ang isinagawa na dinaluhan nina US Ambassador to Manila Sung Kim, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Japanese Ambassador to Manila Koji Haneda.
Sa ulat, noong September 2, 1945, nilagdaan ni General Tomoyuki Yamashita ang Japanese Instrument of Surrender sa harap nina US Lieutenant-Generals Arthur Percival at Jonathan Wainwright sa American Residence sa Baguio City.
Ang paglagda sa nasabing dokumento ay tanda ng pagtatapos ng itinuturing na isa sa pinakamadilim at madugong panahon sa kasaysayan.
Ito rin ang naging simula ng post-war era kung saan ang magkapareha na Pilipinas at Estados Unidos ay muling nagsikap makatayo at makabangon.
Sa kabilang dako, binigyan ng pagkilala ni United States Ambassador to the Philippines Sung Kim ang ibinahaging sakripisyo ng mga beteranong Pilipino at Amerikano na naglatag ng pundasyon para sa pagtatatag ng pormal na pag-aalyansa sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa kanyang talumpati sa ika-75 anibersaryo ng pagsuko ng pwersa ng mga Hapon sa pagtatapos ng World War II, binigyang diin ni Kim na ang naturang alyansa, malalim na pagkakaibigan at long-standing partnership ay patuloy na umiiral ngayon habang nakikipaglaban sa hamon na dulot ng COVID-19 pandemic.
Dagdag pa ni Kim, sabay na haharapin ng dalawang bansa ang public health, economic, at education challenges dulot ng virus.
Giit pa nito, sa muling pagkakataon, ipinapakita ng kasaysayan na ang United States, Pilipinas at Japan ay mas malakas kung sabay na nagtutulungan, bilang kaibigan, partners, at kaalyado.
“Let me conclude with a message to the Filipino and American veterans who sacrificed so much during World War II. Today would not be possible without your incredible acts of bravery and courage.
Thank you for your service and sacrifice. You have left an indelible mark on history that will not be forgotten,” ayon kay Kim.
Pinuri naman ni Sec. Locsin ang naging papel ng Amerika sa pagtatapos ng World War II at ang proteksyon na ibinigay nito sa Maynila para maituon nito ang atensyon at panahon sa “reconstructionand progress.”
Binigyang diin pa ng Kalihim na ang global presence nh Washington ay nakapagbigay garantiya na ang World War II ay “would truly be the War to End All World Wars even while running the risk that the next world war would be The One that Ended it All”.
“This still holds true today, despite the carnage in tragedy-haunted places. In that global peace free from foreign aggression and tyranny, for the most part we and most of the world made good use of the future,” ayon kay Sec. Locsin.
“That future of peace and freedom is our present; and we guard it fiercely and without compromise;so that we and those who come after us shall ever live with the fullest reality and the most certainpromise of peace and harmony without end,” dagdag na pahayag ng Kalihim. (CHRISTIAN DALE)
