NAGING mala-empiyerno ang isang bahay sambahan sa tindi ng init matapos lamunin ng apoy ang United Pentecostal Church at isang bahay sa LR Sebastian St., Brgy. Rosary Heights 10, Cotabato City, nito lamang Miyerkoles.
Naganap ang sunog alas-3:00 ng hapon batay na rin sa ulat ng mga church caretaker.
Sinabi ni Pastor Jaime Magdadaro na nasa Barangay Awang, Maguindanao siya nang makatanggap ng tawag mula sa kanyang anak at sinabing nasusunog ang kanilang simbahan.
Mabilis naman itong nagtungo sa lugar upang sumaklolo subalit huli na ang lahat dahil nilamon na ng apoy ang gusali, pastor’s quarters, at kapitbahay nito.
Naniniwala si Pastor Magdadaro na nag-umpisa ang apoy sa kisame ng simbahan.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa lungsod. (BONG PAULO)
