ONLINE CLASSES PWEDE RING SUSPENDIHIN

KAHIT na online ang mga klase ngayon dahil sa coronavirus pandemic, sinabi ng Department of Education (DepEd) na maari pa rin magsuspinde ng klase tuwing may bagyo, lalo na kung nagkaroon ng malawakang brownout sa lugar.

Sinabi ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio na ito ang pwedeng dahilan sa suspension ng klase.

“Ako personally, ang tingin ko dapat walang pasok sa araw ng bagyo o ‘yung nagre-restore pa pero hindi kasing haba ng dati,” sinabi ni San Antonio.

“For those doing online, but for those doing the printed self-learning modules, talagang ‘yung araw lang ng bagyo siguro saka ‘yung araw na nag-aayos pa ‘yung mga bahay pero ‘pag ready na, hindi na extended ‘yung disruption sa pagpasok ng mga bata,” dagdag niya.

Naunang iniurong ng DepEd ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5, mula sa August 24.

Hindi rin sumang-ayon ang DepEd sa tinatawag na academic freeze dahil sa pandemic, bunsod na rin sa taas umano ng enrollees sa 2020-2021.

May 22.31 milyon na estudyante ang naka-enrol sa public school at 2.08 naman sa private schools. (CATHERINE CUETO)

179

Related posts

Leave a Comment