INAASAHANG iaanunsyo ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pasya kung dapat bang ipagpatuloy o hindi ang reduced physical distancing sa mga pampublikong transportasyon.
Hindi lilipas, ayon kay Sec. Roque ang araw na ito ay ilalabas ng Pangulo ang kanyang desisyon sa usapin na pati ilan sa mga miyembro ng gabinete ay hati ang pananaw sa pagbabawas ng distansiya sa mga sasakyan.
Subalit, nanindigan si Sec. Roque na ang pagbabawas sa espasyo sa pagitan ng mga pasaherong sumasakay sa public transport ay napagkasunduan.
Wala aniyang objection o pagtutol na nangyari nuong araw na nabuo ang approval habang naruruon din aniya ang cabinet members na nagpapalitan ng opinyon sa isyu matapos ang pulong nuong nakaraang Huwebes.
Ito ay sina DILG Secretary Eduardo Año na tutol sa reduced physical distancing at si DOTr Secretary Arthur Tugade na siya namang nagsulong ng panukala. (CHRISTIAN DALE)
178
