PUBLIC SCHOOL TEACHER, UTAS SA DRUG OPS

NORTH COTABATO – Bumulagtang walang buhay ang isang public school teacher makaraang makipagbarilan sa mga tropa ng pamahalaan sa inilunsad na anti-drug operation sa Barangay Poblacion 8, sa bayan ng Midsayap sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Lt. Col. John Miridel Calinga, hepe ng Midsayap PNP, ang napatay na si Jake Fargo Placibe, 23-anyos, nakatira sa Barangay Cabayuran, Libungan, North Cotabato.

Batay sa ulat, pumalag umano ang suspek at nagbunot ng baril nang arestuhin ng mga pulis sa inilatag na entrapment operation.

Makaraan ang palitan ng putok ay napatay ang suspek dakong alas-5:45 ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, anim na buwang minamanmanan ang suspek bago ikinasa ang entrapment operation.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang 15 sachet ng shabu, .38 kalibreng baril, public school identification documents, motorsiklo at marked money. (BONG PAULO)

181

Related posts

Leave a Comment