KINUWESTYON ni Senador Nancy Binay ang kabalintunaan ng ipinatutupad na patakaran ng pamahalaan sa safety at health protocols tulad ng pagpayag ng Department of Tourism (DOT) na makapunta sa Boracay Island ang mga menor-de-edad at senior citizens.
Sa pahayag, sinabi rin ni Binay na sakaling tuluyan nang buksan sa lokal na turista ang Boracay, dapat mahigpit na ipatupad ang safety at health protocols upang hindi tayo magaya sa Croatia at
Vietnam na nagkaroon ng ikalawang wave ng virus nang buksan ang turismo.
“While we recognize that this is a step towards getting the tourism sector and our economy back on track, we would like to remind the Department of Tourism and would-be travellers that health and safety should always be our first priority,” ayon kay Binay.
Pero, nagpahayag ng kalituhan si Binay kung bakit pinayagan ng DOT na makapunta sa Boracay kahit sino, menor de edad man o senior citizens na taliwas sa patakaran ng Inter-Agency Task
Force (IATF) na ipinagbabawal pumasok sa eskuwelahan ang mga minor at lumabas ng bahay ang senior citizens.
Aniya, inconsistent ang patakaran na ito sa mismong regulasyon na ipinalabas at pinaiiral ng IATF sa panahon ng GCQ o MGCQ.
“I think marami ang magtatanong why the age restrictions are relaxed pagdating sa Boracay.
Pinapayagan ang mga bata na pumasyal at bumiyahe, pero bawal sila pumasok sa klase.
Sinasabi na dapat physical distancing, pero sa bus at train pinapayagan na natin na magkakalapit.
How do we make our messaging clear to the public when government health and safety policies are disconnected and disjointed amongst government agencies?” ayon kay Binay.
Dahil dito, hiniling ni Binay, chairman ng Senate committee on tourism na dapat magkaroon ng malinaw na guidelines ang DOT upang hindi malito ang mga turista.
Dapat aniyang matuto rin ang ahensiya mula sa magkakasalungat na pronouncements ng IATF at Tagaytay LGU sa pagpapalabas ng travel pass.
(ESTONG REYES)
166
