OFW HOSPITAL WARD NAKALIGTAAN NA SA SENADO

SIMULA pa lamang nang mabuo ang AKOOFW noong 2015 ay pangunahin na sa aking isinusulong ang pagkakaroon ng OFW Hospital ward.

Una kong panawagan ang kahilingan na sana ay magkaroon ng OFW Hospital ward sa ­Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.

Marami ang naghimuktok sa panukalang ito dahil katwiran ng mga OFW ay hindi naman lahat ng mga nagkakasakit na kailangan na maospital ay mga taga-Maynila.

Kung kaya ang unang panawagan sa pagkakaroon ng OFW

Hospital ward ay napalitan ng panawagan na OFW Hospital Ward sa lahat ng Regional at Provincial hospitals sa buong Pilipinas.

Umani ito ng malawakang suporta kung kaya patuloy itong ipinanawagan ng AKOOFW. Naging matagumpay ang panawagan na ito.

Sa katunayan, matapos na ako at kasama si AKOOFW National President Marcia Gonzalez-

Sadicon ay nakipagpulong kay dating Secretary Jess Dureza, ay agad niyang tinawagan ang Malacanang upang personal na ipaki-usap ang pagkakaroon ng OFW Ward sa Southern Philippines Medical ­Center (SPMC) sa Davao City.

Matapos ang maikling pag-uusap sa telepono habang kami ay nagkakape sa isang hotel sa Makati, ay agad naman tinawagan ni Secretary Dureza si dating SPMC Administrator Bong Vega na ngayon ay isa ng Undersecretary ng Department of Health. Naka-speaker phone ito, kung kaya narining naming ni Marcia Sadicon ang kanilang pag-uusap na kung saan ay agad na sumang-ayon si Dr. Vega na magtalaga ng ward sa SPMC Hospital na esklusibo para sa mga OFW at pamilya ng mga OFW.

Hanggang sa ngayon ay maraming mga OFW at pamilya ng OFW ang patuloy na nakikinabang matapos na makipag-piramahan ang AKOOFW sa isang Memorandum of Understanding sa SPMC.

Gayundin ay naging matagumpay rin si dating ­Congressman John Bertiz na makapagbukas ng OFW Wing sa Jose Lingad Hospital sa Pampanga sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang kinatawan ng OFW sa kongreso at balita ko ay marami rin ang nakikinabang rito.

Samantala, noong Mayo 1, sa pagdiriwang ng anibersaryo ng ­Department of Labor and Employment sa Pampanga, ay pinasinayaan naman ang ground ­breaking ng OFW Hospital sa lupain na ipinagkaloob ng ­gobyerno ng

Pampanga. Kabilang ang AKOOFW sa inimbitahan sa seremonyang ito, bilang pagkilala sa aming pinasimulan na adbokasiya. Inaasahan na matatpos ang ospital na ito sa taon 2021.

Dahil dito, ay nagpanukala ng batas si dating Speaker ­Gloria Macapagal – Arroyo upang ­masiguro na ang ospital ng mga OFW ay magkakaroon ng pondo mula sa National Government.

Naipasa sa 3rd reading ang panukala na ito, ngunit tila hindi na naka-abot pa sa senado para maging isang ganap na batas.

Dahil dito, nangangamba ang mga OFW na baka mahalintulad na naman sa iba pang panukalang batas ang panukala na magbibigay sana ng benepisyo sa mga OFW dahil tinutulugan lang ito ng ating mga senador.

Sang-ayon kay Gng Arroyo, kapag hindi nagkaroon ng batas na pagkilala sa OFW Hospital sa Pampanga, ay malamang na hindi magpatuloy ang mga libreng serbisyo para sa mga OFW dahil walang pondo na maaring gamitin sa

pagpapatakbo nito.
Hinihiling natin sa ating mga senador na mabigyan pansin muli ang ating panawagan sa pagkakaroon ng batas na nag-uutos sa pagtatalaga ng OFW Hospital Ward sa lahat ng Regional o Provincial Hospital sa Pilipinas.

124

Related posts

Leave a Comment