BILANG ayuda sa mga manggagawa at employers ay pinalawig pa ng Social Security System ang deadline ng pagbabayad sa mga overdue contribution.
Base sa circular Number 2020-006-d na inisyu ng SSS, maaaring bayaran ng mga empleyado hanggang sa Nobyembre ngayong taon ang mga hindi nabayarang kontribusyon mula noong Pebrero hanggang Oktubre, 2020.
Ayon kay SSS President and CEO Aurora Ignacio, ikinokonsidera ng SSS ang pandemya sa COVID-19 kaya binibigyan ng extension ang nasabing bayarin.
“The circular states that regular employers may pay their employees’ contributions from February to October 2020 until November 30, 2020,” pahayag ng SSS.
Maari ring bayaran ng mga self employed, voluntary at non-working spouse ang kanilang contributions sa Nobyembre 30, 2020 ang mga hindi nabayarang kontribusyon mula Enero-Setyembre 2020.
“Apart from over-the-counter payment facilities, our bank partners and we have online platforms where employers and members can make their SSS payments in the convenience and safety of their homes or offices,” pahayag ni Ignacio.JESSE KABEL
209 