Malakanyang sa Kongreso: SOFT COPY NG APPROVED 2021 BUDGET AGAD IPADALA SA SENADO

NAKIUSAP ang Malakanyang sa mababang kapulungan ng Kongreso na sana’ y kahit soft copy pa lamang ng kanilang inaprubahang 2021 budget ay ipadala na sa Senado.

Ito’y sa harap na rin ng pangamba ng Senado na baka kulangin sila ng panahon para mabusisi ang pambansang pondo kung Oktubre 28 pa hanggang November 5 nila matatanggap ang bersiyon ng Kamara.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang soft copy o printed copy ang magiging sentro ng diskurso sa Senado.

Ang kailangan lang, ayon kay Sec. Roque ay masiguro na pinal na ang nasa soft copy para hindi magkaruon ng aberya gaya nuong nangyari aniya sa panahon ni dating PGMA na nagkaiba ang printed sa soft copy.

Kapag aniya nasa 3rd at final reading na ay considered na ito as certified bill na isang bersiyon na hindi na dapat mabago. (CHRISTIAN DALE)

156

Related posts

Leave a Comment