NO. 2 MOST WANTED SA QUEZON, ARESTADO

QUEZON – Arestado ang isang mangingisda na kabilang sa no.2 most wanted person sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito, nitong Linggo.

Ayon kay P/Col. Audie Madrideo, provincial director ng Quezon Province, kinilala ang suspek na si Rannie Salinguhay Labor, 40-anyos, residente sa Sitio Martin Hills, Brgy. Iba Polo, Pagbilao, Quezon.

Inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Adolfo Encomienda ng Lucena City RTC Branch 57, sa kasong paglabag sa RA 10591 (illegal possession of firearms).

Natagpuan ng mga awtoridad sa bahay ng suspek ang isang improvised shotgun o sumpak.

Nasa kustodiya na ng Pagbilao Municipal Station ang nasabing suspek. (CYRILL QUILO)

240

Related posts

Leave a Comment