CAVITE – Patay ang isang 53-anyos na trabahador ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nang nabundol ng motorsiklo habang papatawid sa kalsada patungo sa Dasmariñas City, Cavite.
Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Pablito Villa Nueva Salvador, ng Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite habang kinilala ang driver ng motorsiklong Suzuki na bumangga sa kanya na si Ronnie Cortez, 36, ng Block 15, Lot 21, Brgy F. Reyes, GMA, Cavite.
Sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police Station, naglalakad ang biktima dakong alas-4:00 ng hapon noong Sabado patungo sa site project ng DPWH ngunit pagtawid nito sa Governor’s Drive sakop ng Brgy. Paliparan 1 ng naturang lungsod, nang mabangga ito ng minamanehong motorsiklo ni Cortez.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga, hindi na nadala sa ospital ang biktima at agad binawian ng buhay dahil sa pinsala sa ulo. (SIGFRED ADSUARA)
177
