BULACAN RESIDENTS PINAG-IINGAT SA TUBIG MULA IPO DAM

PINAG-IINGAT ng PAGASA ang mga residente ng Bulacan, partikular ang mga nakatira sa mabababang lugar, kasunod nang pagpapakawala ng Ipo Dam ng tubig dahil sa Bagyong Quinta.

Naglalabas ng tubig ang dam ng 47 centimeters.

Kabilang sa mga posibleng mapektuhang lugar ang Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel at Hagonoy.

Patuloy na nakaantabay ang PAGASA sa lagay ng ibang dams. (CATHERINE CUETO)

222

Related posts

Leave a Comment