SEGURIDAD SA MGA ESKWELAHAN SA METRO EAST PINAIGTING NG EPD

PINAIGTING ng Eastern Police District (EPD) ang seguridad sa mga eskuwelahan sa kanluraning bahagi ng Kalakhang Maynila matapos ang madugong insidente sa nangyaring pamamaril sa isang high school sa Tacloban City noong Hunyo 22.

Ang nasabing insidente ay kinasangkutan ng dalawang menor de edad na mga lalaking estudyante kung saan tatlo ang namatay at lima ang sugatan.

Ayon kay District Director PBGen. Melecio Buslig Jr., nagsagawa ang EPD ng strategic deployment sa iba’t ibang mga paaralan sa Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan o mas kilala bilang PaMaMariSan.

Layon ng nasabing deployment na maglaan ng seguridad, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan upang mahadlangan ang anomang posibleng banta para sa proteksyon ng mga estudyante, guro, magulang at school personnel.

Sinabi ni Gen. Buslig na mahalaga na maramdaman ng stakeholders ang kapanatagan kapag may police visibility na gumagawa ng community engagement, nagpapatrolya at nagmo-monitor.

“Nananatiling top priority natin ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, mga titser at mga magulang. Sa pamamagitan ng pagpapaigting sa police visibility at aktibong koordinasyon sa school authorities, matitiyak natin ang seguridad at hindi nahahadlangan ang pag-aaral ng mga estudyante dahil alam nilang ligtas sila,” ang pahayag ni Gen. Buslig.

Kasabay nito, tiniyak din ng EPD chief ang maayos na koordinasyon at magandang ugnayan sa pagitan ng mga pulis at miyembro ng media matapos ang ginawang ‘Meet and Greet’ noong Hunyo 22.

Nagpasalamat din si Buslig sa mga mamamahayag kaugnay sa mahalagang papel ng dalawang panig para sa produktibong pag-uulat at paglalathala ng mga impormasyon hindi lamang tungkol sa krimen at droga kundi lalo na sa mga kawang-gawa at good news na gagawin ng mga pulis.

(NEP CASTILLO)

50

Related posts

Leave a Comment