PINAS MAKIKINABANG SA BAKUNA NG UK – AMB LAGDAMEO

TINIYAK ng United Kingdom na nakahanda silang maglaan ng kanilang dine-develop na bakuna sa COVID-19 para sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to United Kingdom Antonio Lagdameo sa gitna ng aniya’y magandang itinatakbo sa progreso ng pagtuklas ng UK ng COVID vaccine.

Ayon kay Ambassador Lagdameo, may binitiwang pangako ang UK na magkakaruon sila ng allotment ng bakuna para sa maliliit na bansa gaya ng Pilipinas.

Tinatayang 48 million pounds ang pakakawalan nilang finances para sa lower income countries gaya ng Pilipinas.

Sinabi pa nito na makatlong beses na nilang nakapulong ng ASEAN London Committee si Minister of State Nigel Adams ng Foreign Commonwealth and Development Office kaugnay sa dine-develop nilang bakuna.

Ayon aniya kay Minister Adams, malaki ang posibilidad na sa katapusan ng taon o sa unang quarter ng 2021 ay may bakuna na “made in UK”. (CHRISTIAN DALE)

189

Related posts

Leave a Comment