NORTH COTABATO – Arestado ang isang lalaking nurse makaraang mabisto sa pag-iingat ng umano’y shabu habang nakasailalim sa quarantine sa bayan ng Midsayap.
Kinilala ang suspek na si Julius Ceasar Duque, residente ng Poblacion 4, Missayap.
Nadakip ang suspek sa operasyon ng mga awtoridad sa Twin Cubs Haven Inn sa Poblacion 6 sa Midsayap pasado alas-2:00 ng hapon noong Martes.
Nakumpiska mula sa suspek na si Julius Ceasar Duque, residente ng Poblacion 4, Missayap, ang P5000 halaga ng umano’y shabu.
Napag-alaman, naka-quantine ang suspek dahil sa coronavirus disease t nakatakda sanang lumabas noong Martes ngunit dahil sa kahina-hinalang kilos sa tuwing may naghahatid sa kanya ng pagkain, isinuplong siya sa mga awtoridad.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nadakip ang suspek dahil sa ilegal na droga. (BONG PAULO)
215
