Biktimang menor de edad sa CDO, tinakasan AMANG ‘RAPIST’ TIMBOG SA MANILA

HINDI sukat akalain ng isang 49-anyos na ama ng tahanan, na matutunton ito sa lungsod ng Maynila makaraang magtago ng isang taon matapos gawan ng kahalayan ang sariling anak na menor de edad sa Cagayan De Oro City.

Arestado ng magkasanib na puwersa ng Manila Police District at ng Philippine National Police Provincial Regional Office 10, ang suspek na si Rommel Daytia, checker, nanirahan sa #2288 sa panulukan ng Rodriguez at Guidote streets, Balut, Tondo, Manila.

Ayon sa ulat ni P/Major Rommel Anicete, hepe ng Criminal Investigation & Detection Unit ng MPD, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang arestuhin ang suspek sa harap ng bahay na kanyang tinutuluyan, sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Evelyn Gamotin-Neri, Presiding Judge ng Cagayan De Oro, Regional Trial Court Br.19, dahil sa kasong panggagahasa sa 16-anyos nitong anak, na may petsang Setyembre 2020.

Bago ang pag-aresto sa suspek, nakipag ugnayan ang mga pulis ng Cagayan de Oro PNP sa MPD makaraang matunton ang suspek sa Tondo.

Walang inirekomendang pyansa ang korte para sa suspek sa kasong incestuous rape. (RENE CRISOSTOMO)

135

Related posts

Leave a Comment