AKTIBIDAD SA SINULOG FESTIVAL KANSELADO

KINANSELA ng mga lokal na pamahalaan at religious officials sa Cebu City ang mga aktibidad sa taunang Sinulog Festival bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ayon sa mga opisyal, gagawin na lang simple ang pagdiriwang ngayong darating na Enero.

Karaniwang dinarayo ng mga turista ang naturang pagdiriwang para bigyang pugay ang Sto. Niño (Holy Infant Jesus) kada Enero.

Sinabi ng Cebu City government at Basilica Minore del Santo Niño na ilang Sinulog-related activities ang hindi na ipatutupad sa 456th Fiesta Señor para iwasan ang mass gatherings.

Kabilang sa kinansela ang Penitential Walk; Traslacion; Fluvial procession; at ang reenactment ng unang binyag maging ang paglalagay ng krus at unang kasal.

“The Augustinian friars and the Executive Committee of the Fiesta Señor, with the support of the Cebu City Government, will reappropriate the cancelled external activities to the upcoming 500 years celebration of the Arrival of the venerable image of Sr. Sto. Niño in coordination with the activities of the Archdiocese of Cebu in April 2021,” sinabi sa pahayag.

Ang Pista ng Sto. Niño ay dinaraos ng mga katoliko sa Pilipinas bilang pag-alala sa buhay ni Hesukristo. (CATHERINE CUETO)

265

Related posts

Leave a Comment