HIHIRAM ang gobyerno ng Pilipinas ng $300 million para bumili ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Martes ng gabi ay sinabi nito na prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan ang mahihirap.
“[Finance Secretary Carlos Dominguez III] says that he can borrow money of $300 million plus… Makapamili tayo but I think it would do as well to also realize that unahin talaga nila (vaccine manufacturers), ‘yung mga tao nila,” ayon sa pangulo.
“Sa ngayon, magbili ka. Mahal. As I have promised, gastos ng gobyerno itong bakuna para sa lahat ng Pilipino kaya nga uumpisahan natin sa mga mahihirap pataas. . . . Iyong A,B crowd hindi na tayo maggastos dyan kasi mga milyonaryo na yan,” diing pahayag nito.
Matatandaang inatasan ni Pangulong Duterte si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na iprayoridad ang mahihirap na Pilipino sa mga makatatanggap ng bakuna laban sa COVID-19.
Sinabi kasi ni Galvez na ang COVID-19 immunization program ay magiging patas sa lahat, mayaman man o mahirap.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mahihirap na benepisyaryo sa ilalim ng cash subsidy program ng pamahalaan ang dapat maunang mabakunahan.
Kaugnay nito, iprinisinta ni Galvez kay Pangulong Duterte ang ‘Philippine National Vaccine Roadmap’ na magiging time-based at objective-based.
(CHRISTIAN DALE)
134 