Pagtiyak ni PDu30, habang nananalasa si ‘Ulysses’ GOV’T AGENCIES NAKATUTOK SA SITWASYON

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mamamayang Pilipino na habang bumabayo at nananalasa ang bagyong Ulysses ay “on top of the situation” ang pamahalaan.

Sa public address nito ngayong araw ay sinabi ng pangulo na mula sa simula, ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay kumikilos na para tugunan ang sitwasyon sa ground.

Muli namang nanawagan ang Pangulo sa lahat ng LGUs at concerned agencies na tiyakin na ang kapakanan at ķaligtasan ng mamamayan ay nananatiling “top priority” ng mga ito.

Bilang pangulo, ginagarantiya naman niya na gagawin lahat ng pamahalaan ang makakaya nito para makapagbigay ng tulong gaya ng tirahan, relief goods, financial aid at post disaster counseling.

Kaya nga aniya, “rest assured the government will not leave anybody behind. We will get through this crisis, I assure you.”

“As one nation kapit po tayo, mga kababayan, magbayanihan po tayong lahat. Alam mo meron tayong mga assets na bago, the Coast Guard, yung gamitin nila sa tubig and the fast vessels that are with the Navy and yung Air Force natin, marami tayong helicopter, as the weather is still whirling, umiikot pa rin yung hangin, hindi pa makatrabaho, hindi pa makalipad,” ani Pangulong Duterte.

“But all of these pati sundalo, nauna na po yan, yun pa lang, pagdating ng advisories sa atin, nakapondo na ang mga tao. the goods are there, people have been mobilized and deployed, kaya pagdating ng bagyo nandyan na, nagtrabaho na sila,” dagdag na pahayag ng pangulo.

Sa kabilang dako, sinupalpal naman ni Pangulong Duterte ang mga nagsasabi na walang ginagawa at natutulog lang ang pamahalaan sa ganitong panahon.

“Wala kaming tulog dito. as I talk to you now, I just delievered the ASEAN Philippine message. I am attending a summit ng ASEAN, ang participation natin is the virtual-digital thing, pero lahat kami nagsalita,” aniya pa rin.

Samantala, umamin si Pangulong Duterte na may problema siya kaya’t hindi niya magawang libutin ang mga lugar na kailangan ang kanyang presensiya habang binabayo ng bagyong Ulysses ang iba’t ibang lugar sa bansa.

Sinabi ng pangulo na pinagbawalan siya ng nagbabantay sa kanya o ng PSG at doktor na lumabas at puntahan ang mga residenteng apektado ng bagyong Ulysses. (CHRISTIAN DALE)

185

Related posts

Leave a Comment