DAGDAG-PASAHE SA JEEP PINAG-AARALAN PA – PALASYO

PINAG-AARALAN pa ng pamahalaan kung papayagan ang panawagang dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan kasabay ng banta ng panibagong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, inatasan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Transportation (DOTr) na suriin ang sitwasyon, kabilang ang posibleng pagbabalik ng P1 dagdag-pasahe sa jeepney na naunang sinuspinde ng Malacañang noong Marso.

Aniya, kailangang timbangin ng pamahalaan ang magiging epekto ng fare hike dahil maaari itong magdulot ng pagtaas sa presyo ng iba pang pangunahing bilihin.

Sinabi rin ni Castro na pinag-aaralan na rin ng gobyerno ang posibilidad ng pagbibigay ng ayuda sa mga sektor na pinakaapektado ng pagtaas ng presyo ng langis.

Gayunman, tiniyak ng Palace official na layunin ni Pangulong Marcos na walang sektor ang maiiwan sa anomang hakbang na ipatutupad ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng krudo.

(CHRISTIAN DALE)

38

Related posts

Leave a Comment