RELIEF, RESCUE AGAD IKINASA

PATULOY na kumikilos ang mga concerned department at agencies ng Ehekutibo para magbigay ng “relief, rescue and assistance” sa mga apektado ng bagyong Ulysses.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nag-deploy na ang Philippine National Police ng 3,261 Search and Rescue personnel bago pa nanalasa ang Typhoon Ulysses, kabilang na ang 291 mula NCRPO, “as of November 8, 2020, 10AM.”

Nai-deploy na rin ang mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa iba’t ibang lugar gaya ng Cavite, Manila, Marikina, Montalban at Rodriguez sa Rizal para tulungan ang local government units sa kani-kanilang “rescue and relief operations.”

Habang ang DSWD Central Office (CO), Field Offices (FOs), and National Resource Operations Center (NROC) ay mayroon namang mahigit P800-M halaga ng stockpiles at standby funds.

Ang Standby funds ay mahigit P226-M na mayroong mahigit na P184-M na available for Quick Response Fund sa CO.

Ang stockpiles ay kinabibilangan ng mahigit 282,000 Family Food Packs (FFPs) na nagkakahalaga ng mahigit sa P130-M, ang iba pang food items ay nagkakahalaga naman ng mahigit P177-M at non-food items na nagkakahalaga naman ng mahigit na P271-M.

At para matiyak naman ang kaligtsan ng mga pasahero, ang Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng Manila International Airport Authority (MIAA), ay sinuspinde ang lahat ng flight operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula hatinggabi kagabi, Nobyembre 11 hanggang alas-6 ng umaga ngayong araw.

“Let us help one another and demonstrate the Filipino bayanihan spirit in this time of need. Together, we will overcome and recover,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

168

Related posts

Leave a Comment