DRUG GROUP LEADER, 22 PA NABITAG SA CAVITE

CAVITE – Nalambat ng Cavite police ang isang lider ng drug group na nag-o-operate sa probinsyang ito, at 22 iba pa sa isinagawang buy-bust operations.

Kinilala ang lider ng Villar drug group na si Jerby Villar, 35, ng Brgy. Timalan, Concepcion, Naic, Cavite.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (CPPO), dakong alas-9:50 ng gabi noong Sabado nang magsagawa ng buy-bust operation ang Naic Drug Enforcement Unit (DEU) sa Brgy. Timalan, Balsahan, Naic kung saan naaresto ang suspek matapos makipagtransaksiyon sa isang poseur buyer at nakumpiska ang apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon sa record ng pulisya, si Jerby ang lider ng Villar drug group na umano’y nagsusuplay ng ilegal na droga sa bayan ng Naic at kalapit na mga lungsod at bayan sa Cavite.

Samantala, 22 pang hinihinalang drug pushers ang nadakip sa iba’t ibang lugar sa lalawigang ito. Kabilang sa Imus City, 6; Rosario at Naic na tig-4; habang tig-2 naman ang Bacoor City, Trece Martires City, at GMA; at tig-1 sa Tanza, Magallanes at Kawit. (SIGFRED ADSUARA)

139

Related posts

Leave a Comment