66% PINOY PABOR SA COVID-19 VACCINE

IKINATUWA ng Malakanyang ang resulta ng inilabas na survey ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabing 66% ng mga adult Filipino ang nagpahayag ng kagustuhang mabakunahan sila kontra COVID-19.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, itinuturing nila itong isang indikasyon na mas maraming Pilipino ang patuloy na nagtitiwala pa rin sa vaccination program ng gobyerno.

Sa kabila nito, umaasa ang pamahalaan na tataas pa ang bilang ng mga Pilipinong nagnanais mabakunahan ng vaccine kontra corona virus.

Ito’y sa gitna na rin ng kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na lahat ng Pilipino’y mabigyan ng kailangang bakuna lalo na ang mahihirap at vulnerable sector.

Samantala, ayon kay National task force on COVID 19 Chief Implementer Carlito Galvez, inaasahang buwan ng Mayo ng susunod na taon ang magiging availability ng COVID vaccine sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

161

Related posts

Leave a Comment