DOLE PINAKILOS VS SKYWAY CORP.

PINAIIMBESTIGAHAN ng senador sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang nangyaring aksidente sa ginagawang konstruksyon ng Skyway sa Muntinlupa na ikinasawi at ikinasugat ng ilang motorista.

Sinabi ni Senador Joel Villanueva kailangang magpadala ang DOLE ng team ng labor inspectors sa nasabing lugar upang alamin kung naipatupad ang safety protocols sa construction site ng

Skyway kung saan bumigay ang isang steel girder at bumagsak sa ilang sasakyan sa kahabaan ng East Service Road.

“Isa po sa peligrosong lugar-paggawa ang mga construction site, kaya po mahigpit ang pagpapatupad ng mga safety measures upang siguraduhin na walang aksidente na mangyayari at bawasan ang mga risk factors dahil ito ay maaaring maging mapaminsala. Ang mga manggagawa po natin ang unang napapahamak tuwing may aksidente sa lugar-paggawa kaya mahigpit po ang pagpapatupad natin ng occupational safety and health standards,” sabi ni Villanueva.

“Ang agarang imbestigasyon ng ating labor inspectors ay kinakailangan po upang matukoy ang sanhi at makapagbigay ng solusyon sa problema para siguraduhin hindi na mauulit ito,” dagdag pa nito.

Ayon kay Villanueva, principal author at sponsor ng Occupational Safety and Health Standards (OSHS) law, obligasyon ng mga construction manager ng kumpanyang EEI na magtungo sa DOLE at makipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon. (NOEL ABUEL)

146

Related posts

Leave a Comment