TULAK TIMBOG SA P680K SHABU

Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng mahigit sa P.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang arestadong suspek na si Ruel Sangines alyas “Ginto,” 38, ng Block 16, Lot 22, Phase 3, Dagat-dagatan, Brgy. 12 ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Gen. Ylagan, dakong 12:30 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, Jr., sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Giovanni Hycenth Caliao I, ang suspek sa buy-bust operation sa kanto ng Gen. Mascardo St. at EDSA, at nakumpiskahan ng 100 gramo ng shabu na tinatayang P680,000 ang halaga. (FRANCIS SORIANO)

181

Related posts

Leave a Comment