BINITBIT ng mga tauhan ng Manila Police District Station 4 – Station Anti-Illegal Drug Enforcement Unit, ang isang 51-anyos na lola makaraang mahuli habang naglalako ng umano’y shabu sa riles ng tren sa Buenos Aires St., Sampaloc, Manila.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Nenita Gonzales y Samson, ng #633 West Vigan St., Sampaloc, Manila.
Habang dalawa naman ang nadakip makaraang maaktuhan habang gumagamit ng ilegal na droga na kinilalang sina Joseph Avila y Villar, 48, at Larry Sacayan y Kabrales, 35-anyos, sa nasabi ring lugar. (RENE CRISOSTOMO)
176
