FORZA GLOBAL TINATAWAGAN NG PANSIN

SOBRANG pasasalamat ang ipinapaabot ng mga mamayan ng Barangay Geronimo, Rodriguez Rizal dahil sa mga relief goods, tools at mga pagkain na inihatid sa kanila sa pamamagitan ng AKO OFW, Community Anti-Crime Group (CACG) na pinamumunuan ni President Elmer Bernardo at ng South Elite AirCom.

Umabot sa mahigit anim na daan (600) relief bags, lutong ulam at kanin at mahigit sa isang libong (1,000) tinapay ang natanggap na ayuda ng nasabing lugar.

Ang nasabing pagbibigay ng ayuda ay dinaluhan ng mga volunteer members ng AKOOFW at CACG na tila walang kapaguran sa pag-aabot ng tulong sa mga mamayan.

Samantala, ibig kong iparating ang panawagan ni OFW Marites A. Encinas sa STC Forza Global AGENCY Bukwang Prime International AGENCY.

Si OFW Marites A. Encinas ay kasalukuyang nasa Riyadh, Saudi Arabia at humihingi ng tulong na makaalis na sa kanyang employer dahil sa labis na takot sa kanyang employer.

Narito po ang kumpletong salaysay ni OFW Encinas:

“Because of the trauma from the physical abuses that I’ve experienced from my first employer, I honestly couldn’t work anymore. My first employer did sell me into another employer. They didn’t

return my personal belongings, they destroyed my cellular phone. Then in my new employer, I didn’t know that another traumatic experiences are about to happen.

One time she pushed me again and again. She hit me at the back then pulled what I am wearing particularly in the neck part then dragged me into the kitchen and force me to work on the chores.

The food is insufficient. They’re not paying me for 3 consecutive months. The job is also vigorous sometimes I lift heavy carpets. I also want to report my agency because I file a complaint last April

but until now they are not making any actions.

Hoping that you could help me to get back home into Philippines for my children.

Thankyou ma’am/sir for your consideration,”

Maaring ang problemang ito ni OFW Encinas ay pangkaraniwan na lamang na nangyayari sa ilan nating mga OFW, ngunit hindi naman dapat na ito ay balewalain na lamang ng kanyang ahensya na STC Forza Global Agency Bukwang Prime International Agency. Kung kaya ang AKOOFW ay nanawagan upang mabigyan ng solusyon ang problemang ito ni OFW Encinas.

oOo

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa akin sa e-mail address saksi.ngayon@gmail.com o drchieumandap@yahoo.com o tumawag sa 09081287864.

260

Related posts

Leave a Comment