4 KATAO NASUNOG SA NAGSALPUKANG TRUCK

NEGROS Occidental – Apat katao ang namatay nang magliyab ang dalawang truck makaraang magbanggaan sa bayan ng Valladolid sa lalawigang ito, nitong Martes ng madaling araw.

Ayon sa Valladolid MPS, lulan ng wing van truck (MZK 1767) papunta sa north direction, ang magkapatid na biktimang sina Wendel at Carlo Larios, residente ng Mabinay City, Negros Oriental.

Samantala, hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima na sakay ng isa pang wing van truck (MHA 4613) na papunta sa Dumaguete City, Negros Oriental upang mag-deliver ng produkto.

Ayon kay Police Capt. Wilfredo Benoman, hepe ng Valladolid Municipal Police Station, na-trap ang apat katao sa loob ng dalawang delivery wing van trucks na nagliyab matapos ang head on collision.

Nangyari ang sakuna bandang alas-12:15 ng madaling araw sa national highway sakop ng Brgy. Sagua Banwa sa bayan ng Valladolid.

Nagresulta ito sa pagsiklab ng apoy sa panel ng dalawang truck na mabilis na kumalat na ikinamatay ng apat na katao na na-trap sa loob sa loob nito.

Tinangka pang magpasaklolo ng apat ngunit mabilis ng lumaki ang apoy.

Ayon sa Valladolid LGU, pawang grocery items ang laman ng dalawang wing van truck.

Nagtagal ng mahigit apat na oras bago na-retrieve ang mga bangkay at kinailangan pang gumamit ng cutter ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection. (JESSE KABEL)

187

Related posts

Leave a Comment